Litratong Pinoy: Hudyat

Dec 3, 2009 under Weekly meme | 2 Comments

Nakakatuwa at nagbalik na naman ang bisyo natin tuwing araw ng Huwebes. Litratong Pinoy is back!

Ang tema ngayong Linggo ay HUDYAT o sinyal, alarma, tanda, babala, senyas. May ilang larawan akong kinunan nang minsang mamasyal kami sa National Bookstore. Tamang-tama at magagamit ko pala ang mga ito sa espesyal na araw ng Litratong Pinoy. Pagpasensiyahan ninyo at may kalabuan ang mga larawan dahil cellphone camera lang ang ginamit ko dito. Wala pa po kasi akong camera sa ngayon.

May mga batang makukulit ang kailangan ng alalay sa pag-akyat sa escalator.
Kailangan nating maging pamilyar sa mga simpleng karatulang ito sa oras ng emergency.
Seryoso ang babala ‘di ba? Pero alam niyo ba na hindi alintana ng ibang kababayan natin ang panganib na dulot ng pagtawid sa kalyeng ito. Hindi mabilang na buhay na ang nasawi dahil sa paglabag sa simpleng babala.

Related Posts with Thumbnails


2 Responses to “Litratong Pinoy: Hudyat”

  1. onlinemommy says:

    Seryoso ang babala 'di ba? Pero alam niyo ba na hindi alintana ng ibang kababayan natin ang panganib na dulot ng pagtawid sa kalyeng ito. Hindi mabilang na buhay na ang nasawi dahil sa paglabag sa simpleng babala. <— Totoo to mommy! Matatapang kse sobra ang mga pinoy :D

  2. Yami says:

    ang lakas ng loob nilang tumawid sa bawal na lugar kapag nasagasaan naman kasalanan pa ng driver.

Leave a Reply




© 2009 Pen, paper, pan Header & Footer by pehpot. Coded by kAyE.