Litratong Pinoy: Hudyat
Ang tema ngayong Linggo ay HUDYAT o sinyal, alarma, tanda, babala, senyas. May ilang larawan akong kinunan nang minsang mamasyal kami sa National Bookstore. Tamang-tama at magagamit ko pala ang mga ito sa espesyal na araw ng Litratong Pinoy. Pagpasensiyahan ninyo at may kalabuan ang mga larawan dahil cellphone camera lang ang ginamit ko dito. Wala pa po kasi akong camera sa ngayon.
Litratong Pinoy is back

After almost a month break, Litratong Pinoy (Samahan ng mga Litratistang Pilipino) is back on line. I miss this meme a lot. Aside from the cool new website, LP is introducing its new team and ‘How to Join’ section.
LP was founded by Ms. Thess of thesserie.com in April 28 as her way of sharing photos and photography tips with some of her friends. The site gain tremendous popularity over time where both hobbyist and stay-at-home moms like me gather every Thursday (online) to participate in a weekly challenge.
You can also participate and share your photo based on a weekly theme and enjoy meeting new friends while bloghopping. You will also meet two new LP team members Lino and Ronnie who will be of help to us participants and incoming members.
This month LP has a complete list of theme or weekly challenge.
December 2009:
03 – Hudyat (Signal, Sign)
10 – Hiling (Wish)
17 – Paskong Pinoy (Christmas, Filipino way)
24 – Regalo (Gift)
31 – Pasasalamat (Gratitude, Thankfulness, Giving thanks)
WHO CAN JOIN?
- Bloggers/ photobloggers. Filipinos and non Filipinos are welcome to join!
- Facebook and Flickr users are welcome as well!
HOW TO PLAY?
For bloggers:
- Post a photo/s related to the weekly challenge (theme) on your blog. Leave your comment with your post link on weekly Litratong Pinoy posted on the main page. This will lead other participants to your blog.
- Use ‘Litratong Pinoy’ or ‘L.P.’ on your title post. Please do not mix LP post with other photo memes.
- Use YOUR OWN photos and not those taken from the internet.
- Tagalog post is preferred. Taglish (Tagalog- English) is permissible.
- Place a Litratong Pinoy button on each post. Also place a Litratong Pinoy button on your sidebar. This will help the group grow.
- Tag and/or categorize your Litratong Pinoy posts for easy browsing.
For Facebook and Flickr users:
- Simply post your entry on your FB wall or Flickr page linking it to the corresponding Litratong Pinoy weekly challenge post which can be found on this website every Thursday.
Attention Facebook users. You can also post your Litratong Pinoy weekly challenge here.
WHEN?
New Litratong Pinoy post will be posted every Thursday, 12 am Philippine time. The game starts at this time and it’s up to you to keep it rolling until the next challenge.
Litratong Pinoy: Lansangan
Lansangan ang tema ngayon sa Litratong Pinoy. May maikling kwento ang mga batang ito sa lansangan. Naaalala pa ba ninyo ang puno ng Indian Mango sa lahok kong Lahat ay Payak para sa LP noong buwan ng Mayo? Ito ang punong ‘yon. Nasa tabing lansangan kasi kaya hindi matiis ng mga batang nagdadaan ang kumuha ng walang paalam.
Eh sino naman ang itinuturo ng bata sa ibaba? Itinuturo niya ang mga batang patay-malisyang naglalakad palayo na siya daw nag-utos sa kanya na umakyat para kumuha ng mangga. Mukha siyang takot kasi biniro ng esposo ko na ipapabarangay siya (’yung bata) kapag hindi siya bumaba.
May ilang panahon na naman at muling mamumulaklak at mamumunga ang aming puno sa tabing lansangan kaya ang mga ganitong tagpo ay magiging pangkaraniwang na lang. Nakuh mamamaos na naman ang lalamunan ko sa kakasaway sa mga mukukulit na bata kasama na ang mga nasa larawan.
At ito naman ang kaganapan sa labas ng Manila Cathedral kung saan namalagi ng ilang araw ang mga labi ng dating Presidente Cory Aquino. Kuha ito ng aking esposo bago siya tumuloy sa pinapasukang opisina.
Dito naman pumuwesto ang mga kababayan nating nagtinda ng mga Cory Aquino memorabilia. Medyo may kamahalan ang ilang paninda nila pero naging patok pa rin sa mga mamimili. Eto nga at may pasalubong pang Cory shirt ang irog ko para sa akin.
Tunghayan ang iba pang lahok ngayon sa Litratong Pinoy.
Litratong Pinoy: Lakad (walk)

Tamang-tama pala ang tema ngayong Huwebes sa Litratong Pinoy - Lakad. Matagal ko ng pinaiisipan kung anong okasyon at pagkakataon ko maaaring gamitin ang mga litratong ito ng aking kabiyak. Ang yabang ano? Hindi halatang mahirap ano po? Naimbitahan lang siya ng mga kaibigan at dating kasamahan niya sa trabaho kaya siya nakapag-golf ng libre sa Puerto Azul Golf and Country Club matagal na panahon na rin ang nakalipas.
Pormang propesyunal ba? hehe. (Pasensya na po napaliit yata masyado ang resize ko sa mga larawan para hindi po matagal mag-load) Carry naman ng honey ko eh. Naglalaro kasi siya noon (libre pa rin LOL) sa may Intramuros.
Ano ang panama ni Tiger Woods sa palo mo? Ayan napalakas yata. ‘Di mo na makita ang bola ano?
Hala sige lakad at hanapin ang bola. May bayad ‘yon ‘pag ‘di mo nakita. hehe
Ang layo naman ng kuha ‘di ko tuloy maaninag ang kagwapuhan ng irog ko, hehe. Alam ko tinetreasure ng kabiyak ko ang outing na ito kasama ng mga kaibigan niya (isa po sa kanila ang nasa dalawang larawan dito.
Kung napangiti po kayo, mag-ienjoy ‘din kayo sa iba pang mga lahok dito.
Litratong Pinoy: Hapunan (Dinner)

Huwebes na naman mga ka-LP. Ang tema ngayon Linggo ay hapunan. Kaya eto ang walang kamatayang hipon. Hindi espesyal ang luto ko sa hipon na ‘yan, halabos lang o pinakuluan ko sa konting asin, vetsin at paminta. Madalian kasi. Alam niyo kung bakit? Late na kasi akong nakagpagluto mabuti may inabutan pa akong hipon sa talipapa. Bakit nga? Kasi naubos ang oras ko kaka-babad sa computer. Aminin mga mommies diyan, hindi lang ako. hihi. May partner naman na gulay ang hipon nakalimutan ko lang kuhaan ng litrato kasi gutom na mga anak ko. hehe. Hayun nairaos din ang hapunan. Burp! Excuse me. Kung busog na kayo, aba dapat bisitahin niyo muna ang ibang nagluto ng hapunan dito bago kayo kumain ng panghimagas. Happy Huwebes sa lahat!
Litratong Pinoy: Tanghalian (Lunch)
Hindi ko mahindian ang hiling ng mga anak ko na lutuin ang paborito nilang tempura. Madali lang naman lutuin ang tempura ilang minuto lang pwede ng ihain mas matagal pa nga ang preparasyon nito gaya ng paghahanda ng harina, binating itlog at breadcrumbs. Nang maluto parang medyo tuyo naman masyado ang pananghalian namin kaya inihabol ko ang pagluluto ng ginisang miswa na may patola. Ayos ba?
Marami pa kayong makikitang masarap na tanghalian dito.
Litratong Pinoy: Almusal (Breakfast)
Para sa akin masarap na partner ng sinangag ang pritong isda sa almusal. Lalo pa kung ito ay may sawsawang suka na may bawang o kaya naman ay kamatis na nilagyan ng konting asin (wala sa larawan). Mangan tayon!
Kung gusto mong makikain ng almusal punta ka lang dito.
Litratong Pinoy: Proteksyon (surgical mask)


Hindi ako kadalasang nagtatabi ng surgical mask sa bahay. Para saan nga ba ang surgical mask na ito? Hindi po ito proteksyon para sa kumakalat na AH1N1 virus dahil hindi naman kinakampanya ng Department of Health ang paggamit nito bilang mabisang pangontra sa virus bagkus ang tamang kalinisan lamang at pagpapanatiling malusog ng katawan. Binili ko ang mask na ito noong April 10, 2003 (base sa nakatabi pang resibo) sa isang malaking hospital sa Quezon City na nadaanan ko galing sa opisina. Ginamit ko ito sa isang coverage noon sa Research Institute for Tropical Medicine sa Alabang, Muntinlupa City.
Naalala ko meron pala akong isa pang post tungkol sa proteksyon dito.
Punta lang kayo dito para sa ibang lahok ngayon Linggo.
Litratong Pinoy: Nakakakilabot

ISANG exciting na Huwebes na naman ang dala ng Litratong Pinoy ngayong Linggo dahil ang tema ay nakakakilabot. Maraming bagay ang pwede nating isipin na nakakapaghatid ng kilabot sa atin maaaring isang pangyayari, lugar, gumagapang na insekto o iba pang bagay. Naisipan kong isali ang larawan ng bahay na ito na matatagpuan sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City. 
Ito ang 75-year-old na mansion na nagsisilbing Director’s Quaters. Mukha naman siyang payapa, hindi ba? Pero sa totoo may mga nilalang daw na gumagala at nagmumulto sa loob niyan ayon sa dalawa sa anim na inmate at caretakers na nakausap ko. Sina Felipe Bagon at Marlon Sibay na pawang na-interbyu ko noong September 2004 (nasa ibabang larawan) ang nagpatunay ng mga kwentong kakila-kilabot sa inyong lingkod.

Ang sabi nila kapag walang tao o solo lang sila sa loob ng bahay nararamdaman daw nila na parang may ibang nilalang silang kasama pero kapag maraming tao ay wala naman daw. Eto pa, minsan daw na nakaupo sa labas ng bahay si Mang Bagon nang tawagin daw siya ng isang lalaki sa utos ni Director (Macala pa noon) para magpahilot. Pagpunta niya sa bahay ay wala ni isang tao. Pati na si Director na akala niya ay nakabalik na galing Batangas ay wala doon. Nakakakilabot, ‘ di ba?
(Wala na ang orihinal na kopya ko sa larawang ito maliban sa clippings ng story na naitabi ko lamang. Lumabas ang buong storya nito noong Oct. 2, 2004 sa front page ng People’s Tonight.)
Bisitahin ninyo ang iba pang nakakakilabot na lahok dito.
Litratong Pinoy: Tuyo (Dry)


Tuyo (Dry). Mga tuyong dahon ang pakay ng partner ko kung bakit naka-pose siya na animo isang hardinero sa halamanan na nasa harap ng aming bahay. Masyado lang matinik ang halaman kaya hindi niya nakuha ang lahat ng tuyong dahon nito. Magandang tingnan ang halamanan na malinis. Sumasalamin kasi ito sa personalidad ng taong nag-aalaga sa kanila.
Pasyal kayo sa Litratong Pinoy para makita ang iba pang lahok ngayong Huwebes.
Litratong Pinoy: Imposible ba ito?
Ang sarap mag-motor sa countryside. Sariwa ang hangin at walang trapik. Pero parang imposible ata na mangyari ito sa lahok kong litrato. Paano ka magmo-motor sa itaas ng mga puno. Maliban na lang kung ikaw si Edward Cullen, ang bidang lalaki sa pelikulang Twilight. Dahil sa ito ay produkto ng Photoshop, magtataka ka pa ba?
Ito ang orihinal na litrato ng aking asawa at anak na bunso. Kinunan lamang ito sa harapan ng bahay namin isang araw ng Linggo. Minsan may mga larawan na hindi mo na alam kung orihinal na kuha o produkto lamang ng malikot na imahinasyon ng mga artist na bihasa sa paggamit ng Photoshop at iba pang katulad na aplikasyon sa pagmanipula ng mga larawan.
Naririto ang larawan ng iba pang kalahok ngayong Huwebes sa Litratong Pinoy.
Litratong Pinoy #3: Lahat ay Payak
Itinatampok sa Linggong ito ng Litratong Pinoy ang temang `Lahat ay Payak’ kaya naman naisipan kong ilahok ang larawan ng puno ng Indian Mango. Ilang buwan pa lang ang edad ng mangga sa unang larawan. Matatagpuan ito sa tarangkahan ng aming bahay. Ang ikalawa naman ay namumunga na. Matatagpuan ang katawan ng matayog na puno sa loob ng aming kusina. Naitanim ito bago pa itayo ang aming bahay.
Nagsimula sa isang payak na halaman, ang puno ng mangga ay lumaki at nagdulot ng pakinabang sa amin. Bukod sa prutas nagbibigay din ang punong ito ng lilim sa katanghaliang tapat.
Maraming pang kalahok ang matatagpuan dito.
English Translation:
This week, Litratong Pinoy highlights the theme All Are Simple this is why I’m posting the pictures of Indian Mango tree. The small Indian Mango plant in the first photo is barely a few months old. It is found at our gate. The second tree is already bearing fruits. The trunk of the tall tree is located inside our kitchen. It was planted long before our house was built.
It started in a simple (or young) plant, the mango tree matures and becomes useful to us. It provides not only green mangoes but shades at high noon.
Other entries are found here.























ShareThis





